Long Time No Talk
Thank God, off ko na ulit later. Hindi ko na kailangan pang gumising nang pagkaaga-aga. Medyo inaantok na ako, pero okay lang, mailagay ko man lang kung ano bang meron ngayong araw na ito. In relation to the hottest issue in the office, sinabi ni Veron na nakausap na n'ya si Mia, and sabi ni Mia, before napa-plastikan daw siya kay Veron pero this time, mukhang iba na ang plastic, and that's Bernadette. Iba talaga ang impact ng statement na ito ni Bernadette, I'm sure she's very bothered about this, nasa Baguio pa naman siya, at the same time, buntis pa siya kaya parang super stressful kung iisipin. Tumawag din sina Dolly at Mia dito kanina, after weeks without communication with both of them, ngayon na lang ulit kami nagka-usap. Of course pinag-usapan namin yung latest issue. Halos isang oras mahigit kami nag-usap. Hindi talaga maganda ang feedback nila, wala man lang anything positive on Bernadette's side. Sinabi pa ni Dolly na manggugulo talaga sila sa Christmas Party, hehehe. Hay nako, ewan, mukhang exciting din! Pero sana, malagay na rin sa ayos ang lahat. On a lighter note, 20th birthday ngayon ng pinsan kong si Opalyn. She's one of my closest cousin, kasi naman, halos half of her life, dito siya nakatira sa amin kaya talagang close na rin kami. Bye!
Naiyak Ako
Oh my! Grabe talaga kanina, sobrang na-touch ni Belle ang heart ko. Hanggang ngayon, medyo mainit pa rin ang issue about 'latak'. Narinig ko rin ang comment ni Jovy about the issue. Sabi n'ya, dapat magkaroon ng action. Yung mga agents, kapag nagkamali, dinidisiplina, paano naman yung mga superior? Hanggang sorry na lang ba sila? Haaay, nakaka-inis ang situation. Kanina, wala masyadong calls dahil Thanksgiving Day sa States. Nung dumaan sa likod ko si Belle, tinanong ko siya kung anong na-feel n'ya nung sinabi ni Bernadette na latak lang ang tech agents, sinabi n'ya na nasaktan siya. Biglang nagluha yung mata ko and umiyak ako, hindi ko napigilan, kasi coming from Belle, nakaka-sakit talaga. Sobrang bait ni Belle and hindi siya marunong mag-complain, kaya parang naawa talaga ako at napaiyak. Ewan ko ba, naguguluhan na ako. On the other hand, si Rose, dumalaw kanina sa C3, nagta-trabaho na siya sa Makati. Nalaman din n'ya yung issue through Annie, nasaktan rin daw siya. Si Dolly rin alam na, as per Annie, si Mia naman, ewan ko lang. I'm sure, hindi magiging maganda ang mga feedbacks nila about this issue. Ngayon na lang ako ulit umiyak, buti kahit paano na-control ko, kapag kasi nagtuloy-tuloy, grabe, may kasamang pang sound effect, hehehe. Bye.
Hopefully Soon
Sabay kaming pumasok ni Maxene kanina dahil kina Nina kami nakitulog. Excited kaming pumasok dahil sa bagong issue sa office. Dumating na kanina si Bernadette at nagkaroon ng tensyon sa mga tech agents. Grabe, ang gulo-gulo na, hindi ko na talaga alam kung sino ba ang nagsasabi ng totoo. Kanina, kinausap kami ni Bernadette, ako, si Annie, Anthony at Irene. Galit na galit siya sa ginawa ni Ivy. Hindi ako kumbinsido sa sinabi ni Bernadette although I'm hopeful na matapos na ang war nila ni Ivy coz of this 'latak' incidence. Nakakaawa rin naman kasi si Ivy, I'm sure nasaktan siya nung time na marinig n'ya yung comment na yun ni Bernadette. Sino nga ba naman sa mga tech agents ang matutuwa? Tama ba namang sabihin na 'latak' yung mga tech agents na hindi na-promote. Bernadette defended herself. Sinabi n'ya na hindi n'ya intensyon na sabihin yon, she doesn't mean it. Sa ngayon, sana matapos na ang issue kasi kawawa rin si Ivy dahil may problema rin siya with former friend Joanna. Grabe, habang palapit nang palapit ang Christmas Party, saka naman nagkakaroon ng mga issue na ganito. Sana, pagbigyan na nila ang isa't-isa.
Hot Item Sa Office
I'm at Nina's house. Katabi ko ngayon si Maxene, si Nina nasa kama na, nagwa-watch ng TV. Grabe talaga, kumalat na ang latak issue, ang daming nagbigay ng violent reaction. Yung iba sobrang nainis and yung iba naman ginawa na lang katatawanan. Personally, sumama ang loob ko sa issue na 'yon. I don't want to be called a 'latak'. What do I know? I could be one of them. Nakakainis. On a lighter note, bumili ako kanina ng brown t-shirt na may gold print from People Are People, ang cute n'ya! About Pinoy Big Brother, ang galing ni Nene! Umakyat siya sa puno ng niyog para i-rescue yung stuffed toy ni Cass na si Witch. Nakakabilib siya, dapat talagang manalo siya. Goodnight!
Latak
I'd just like to express my feelings today. I feel so bad, I'm very disappointed. Si Ivy ang nagsabi sa akin, I don't think that it's a hearsay, si Ivy mismo ang nakarinig. Sinabi 'raw' ni Bernadette na ang mga technical agents na natira ay latak lang. Meaning, yung mga na-elevate at na-promote ay yung mga tech agents na may sense and useful sa company. Masakit pakinggan. Bakit siya nag-generalize? I'm not saying that I'm a perfect techincal agent coz in the first place, it's not my will to be one of them, it's their choice. Sinabi rin ni Ivy na kaya nasabi ni Bernadette yon is because hindi maganda ang feedback ng mga new migration agents sa mga technical agents with regards to transferring calls. Grabe, I can't believe she said that. How about the other technical agents who are actually good like Ivy, Faith, Belle, Hope, Irene, Deng, Azenith, Sam and many more. Nilahat na n'ya. Kawawa naman yung iba. I don't consider myself as one of the best coz I know myself, I have no patience on troubleshooting IRD's most of the time. I'm just trying to do my job. I'm sure this item will be one of the hottest issues these days. Goodluck to her.
Franzen Is Out
Franzen is out! Hindi na fresh ang news na ito kasi last Saturday night pa siya na-evict. Ilang beses na siyang pinagbigyan ni Big Brother kaya lang, it seems na hindi talaga siya marunong sumunod. 3 times na ata niya nilabag yung utos ni Big Brother, as far as I can recall, the first instance is nagsulat siya ng message para kay Jayson, then yung mouthing of words with Cass and yung pagsabi n'ya kay Jayson after n'yang lumabas ng confession room, although he didn't directly tell the story, mukhang lumalabas na sinabi n'ya kay Jayson yung sinabi ni Big Brother sa kanya. Para sa mga viewers, nakakainis kapag pasaway ang housemate. Ayoko talaga kay Franzen. Sa tingin ko naman, hindi sila gumagawa ng mabigat na kasalanan pero ang nangyayari kasi, napapanood ng milyun-milyong tao kaya marami rin ang naiinis. Grabe, malapit nang matapos ang Pinoy Big Brother, iilang housemates na lang ang natitira, sina Uma, Cass, Say, Jayson and Nene. Kanina, pumunta kami ng SM para bumili ng Christmas Tree. Nakabili kami ng 6 feet na Christmas Tree and yung mga pansabit na binili namin ay kulay violet, purple and other shades of it. Inayos din namin kaagad and ang ganda n'ya kapag may ilaw. Nakaka-excite naman ang Christmas ngayon!