Merry Christmas Everyone!!!
Merry Christmas! It's the 25th of December. Haaayyyy, three days din ang na-miss ko sa pagpo-post dito sa blog. Grabe, nakakainis ang PLDT, bakit kaya out of service sila? Sabi ng ate ko, magsasara na raw ang PLDT sa Munoz kaya parang sinabotahe raw ang service nila, karamihan ngayon sa area namin ay walang phone line, medyo nakakainis kasi naman kung kailan rest day ko, tsaka naman walang linya ng phone, hmmmph! By the way, nandito pala ako sa Netopia sa SM Carpark. Kakagaling ko lang sa binyag ng anak ni Sheryl Pulga Frias, ang name ng son n'ya ay Aaron. Ninong na naman ako. Ang cute ni Aaron, I'm wondering kung kanino nagmana ang bata, hahahaha. Kaunti lang ang naka-attend, sina Anthony, Rico and Gretch with her boyfriend. Sa St.Paul the Apostle ang church and sa Jade Valley naman ang reception in fairness ang daming foods. Kanina, bago umalis ng bahay papuntang binyag inasikaso ko muna yung mga batang nagsipuntahan para sa kani-kanilang aginaldo ngayong Pasko. Sobrang daming pumunta. Sa mga inaanak ko naman, nandun sina Rachel, Martin, Lally and Sweet. Grabe, apat lang yun sa dose-dosena kong inaanak. I'm sure may dumating pa nung umalis ako. Kanina rin kami ulit nagkita ni Kuya Edwin, finally nakita ko rin yung anak n'yang si Maegan. Grabe, ang laki n'ya, and in fairness, maganda naman siya. Since hindi ako nakapag-post kahapon, ikukwento ko na lang ang mga kaganapan. Kahapon nagtapat ng feelings n'ya sa akin si Yeoj, well, I don't like him so I dumped him. Yuck! Mas magiging maganda kung friends lang kami, hallerrrr, tama bang sa forum pa n'ya sabihin yun? Mali naman ata ang diskarte n'ya, pahiya tuloy siya. Also yesterday, naka-chat na namin si Al also known as Kanyamanan. Hindi lang sa chat, narinig ko pa ang voice n'ya, kasama ko si Janice at DJ sa Netopia sa Cubao. Hindi ako makapagsalita sa mic kahapon kasi naman, nahihiya ako sa kanya and besides, nasa cafe ako, and paos ang voice ko kaya super nakakahiya talaga. Anyways, I have to end this now. Gusto ko nang umuwi. Bye!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home