Saturday, December 03, 2005

Jollibee & Say's Eviction

Hindi pa ako nakakabawi ng tulog. Kahapon 2 hours lang sleep ko, kanina naman, mga 5 hours kahit paano. Nagco-call out para sa migration. Ayaw magsipag-tawag ng mga customer, puwes, kami na ang tumatawag sa kanila para ma-migrate na yung mga TFC accounts nila sa DirecTV. Nakakainis nga kanina eh, nasabihan pa ako ni Jopay at Ash na mukha raw akong may sakit. Kasi naman, wala pa halos talaga akong tulog kahapon. Pinakita rin sa akin ni Ash yung topic tungkol sa username ko sa forum na lokagirl_gatas. Hindi ako nakapag-forum today dahil sa call out. Nakasabay ko si Heart at Raffy pag-uwi. Si Heart ay isa sa bagong agent na gusto ko, what I mean is, hindi siya mahirap pakisamahan. Si Raffy naman, new agent din, naku-cutan ako sa kanya, crush ko na siya! Hehehehe, hindi siya ka-gwapuhan pero I like him kapag nagsasalita na siya. Pag-uwi, natulog agad ako. Gumising ako ng 6PM para umattend ng birthday ni Nicole, my inaanak from Trish and Martin. Nagkita kami ni Jovie around 8PM sa Robinsons and nakarating kami sa Jollibee ng 8:30PM. Wala halos bisita. Kung ano ang ikinarami ng guests ni Gabbie, yung anak ni Sweet, opposite naman ng bisita ni Nicole. Siguro less than 30 persons yung umattend. Natatawa ako kay Nicole kasi hindi ko alam kung sino ang kamukha n'ya, si Trish ba or si Martin. Nakaka-inis yung Jollibee na mascot, ako pa yung napag-tripan dun sa party. Kung kahapon, si Alhen at Jovie yung kinukulit ng mascot, ngayon ako naman, bwahahahaha! About Pinoy Big Brother, last evictee si Say. Sa wakas, natanggal na rin siya. The Big Four are Uma, Nene, Cass and Jayson. Naging cliff hanger man si Nene sa episode kanina, siya naman pala ang may pinakamataas na number ng boto, around 44%. Grabe talaga ang hatak ni Nene sa tao, ang galing kasi n'ya eh, ang dami n'yang kayang gawain. Sino kaya mananalo. Ilang araw na lang, Big Night na! Bye!

Friday, December 02, 2005

Disyembre Na Po!

Ang bilis ng panahon, imagine, parang kailan lang, Pasko na naman. December 1, first birthday ni Nicole, inaanak ko, daughter ni Trish and Martin. Kanina lang, umattend ako ng children's party, first birthday celebration ng anak ni Sweet, si Gabbie. Sobrang daming tao. Ang dami kong officemate sa party. Nandoon sina Janice, Jeff, Maxene, Deng, Maynard, Howell, Edu, Jovie, Lorie, Lindsey, Myra, Allen, MeAnn, Ms.Vicky, Mother Daisy, Mike, Honey, nandoon din si Nina at si Joon, cousin ni sweet na ex-ABS-CBNi agent. Bumili rin ako kanina ng Big Brother soundtrack, doon ko sana balak i-pattern yung gagawin naming music video sa office. Sana maging successful. Hindi ako makatulog ngayon, one and a half hour lang ako nakatulog kanina, shittt, ewan ko na lang kung anong mangyayari sa akin sa office mamaya. Baka hindi na rin ako makatulog, nakakainis tapos bukas birthday celebration naman ni Nicole, huhuhu... I wanna take a rest! Sana kayanin ko ito mamaya, goodluck!

Wednesday, November 30, 2005

100th Day In The House

Sinundo ako kanina sa Eastwood ni May at JR, muntik pa akong sumakay ng jeep, buti na lang nakita ako ni May, kung hindi, nagkasalisi na. Nag-grocery kami after that kaya mejo pagod-pagod na rin. Kinagabihan, nanood ako ng Pinoy Big Brother, I can't believe na 100 days na ang show na ito, bumisita yung mga ex-housemates, kaya lang lima lang yung nagkaroon ng chance. Yung 8 ex-housemates kasi, inilagay sa giant gift box tapos yung mga remaining housemates pipili ng box. Nakuha ni Nene si Rico, si Cass naman si Sam, then si Uma si Racquel, kay Jayson ay si Franzen and kay Say si JB. Mukhang there's something fishy about it, kasi nagkatapat sina Jayson and Franzen, at Say and JB. Anyways, I still believe na totoo naman yun. Okay lang.

Tuesday, November 29, 2005

9 Hours Of Sleep

Sa wakas naka-connect din ako, nakakainis yung Nitro Prepaid Internet card, sobrang bagal. Hindi naman masyadong mahirap kumonekta pero kapag nag-iinternet na, sobrang bagal. Ang gamit ko ngayon ay Blast, okay naman ang bilis pero mejo mahirap maka-connect. Anyways, ang sarap ng tulog ko, imagine, more than 9 hours akong nakatulog. May mga kaunting interruptions pero hindi rin ako naiistorbo kasi sobrang pagod talaga ako kaya bagsak agad sa kama and fortunately, may katagalan din ang itinulog ko. Kanina sa office, nag-request na ako ng rest day for me and my teammates. Nagpa-plano kaming pumunta ng Enchanted Kingdom sa December 11. Team ito ni Papa Bear, and sa wakas, natuloy na rin ang pagkatagal-tagal at mejo naudlot na team building namin. Aalis na ako dahil may duty pa ako ng 1:30AM mamaya. Bye!

Monday, November 28, 2005

The Capiz Lantern

Finally, the plan of buying a Christmas Capiz Lantern this season has been realized. We bought this 30 inches in diameter Capiz Lantern in San Juan, with lights blinking and running in synchronized manner. It's kinda expensive, the storekeeper gives us a price of P1,800.00 and we asked for a discount, he gave it for P1,700.00 and that's the least he can give. That's okay, it's Christmas anyways. At least I was able to get a freebie, a capiz ball, I don't know where to use it, hehehe. We're planning to buy another one once we have enough money for it. I'm so excited to see it hanging on the window while the playful lights are in display.

Sunday, November 27, 2005

Housemates' Last Nomination

Rest day ko today. As usual, nanood lang ako ng TV at nag-internet buong maghapon. Nakakainis kanina, I thought magla-launch ng station ID ang ABS-CBN, kasi they usually launch Christmas station ID mid-November pero until now, wala pa rin. Nakaka-frustrate tuloy, the past 3 years meron sila tapos ngayon wala. Anyways, nakakatawa noh? Ganon kasi ako ka-supportive sa Kapamilya Network, ayoko kasi talaga ng GMA 7. About Pinoy Big Brother, kanina naganap ang last nomination night. Eight nomination night na ito. Ang mga na-nominate ay sina Nene, Cass, Jason at Say. Of all the nominees, I want Say to be out of the house. Ang matitirang apat will be called the Big Four. Hopefully makasama si Nene sa apat na 'yon, siya kasi ang gusto kong manalo from the start, I also like Uma now. It was Nene's first nomination, and for the record, si Uma lang ang tanging housemate ang hindi na-nominate sa buong season ng show. Ang galing n'ya! Lagot ako kay Jasmine, di ako nagtext or nagparamdam sa kanya, birthday pa naman n'ya ngayon. Si Jasmine ay classmate ko back in highschool and ngayon ay isa ko na siyang officemate. Bwahahahaha!!! See yah, bye!