Thursday, November 24, 2005

Hopefully Soon

Sabay kaming pumasok ni Maxene kanina dahil kina Nina kami nakitulog. Excited kaming pumasok dahil sa bagong issue sa office. Dumating na kanina si Bernadette at nagkaroon ng tensyon sa mga tech agents. Grabe, ang gulo-gulo na, hindi ko na talaga alam kung sino ba ang nagsasabi ng totoo. Kanina, kinausap kami ni Bernadette, ako, si Annie, Anthony at Irene. Galit na galit siya sa ginawa ni Ivy. Hindi ako kumbinsido sa sinabi ni Bernadette although I'm hopeful na matapos na ang war nila ni Ivy coz of this 'latak' incidence. Nakakaawa rin naman kasi si Ivy, I'm sure nasaktan siya nung time na marinig n'ya yung comment na yun ni Bernadette. Sino nga ba naman sa mga tech agents ang matutuwa? Tama ba namang sabihin na 'latak' yung mga tech agents na hindi na-promote. Bernadette defended herself. Sinabi n'ya na hindi n'ya intensyon na sabihin yon, she doesn't mean it. Sa ngayon, sana matapos na ang issue kasi kawawa rin si Ivy dahil may problema rin siya with former friend Joanna. Grabe, habang palapit nang palapit ang Christmas Party, saka naman nagkakaroon ng mga issue na ganito. Sana, pagbigyan na nila ang isa't-isa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home