Thursday, December 29, 2005

Family Affairs

Yesterday was Tinay's Wedding. Ikinasal na rin sa wakas sina Tinay at Sid after seven long years of being committed. It's the Zamora-Dela Cruz Nuptial. The grandest wedding and family affair I've attended so far. Mas mukhang magastos ito compare sa wedding ni Pie. Sa Manila Cathedral ginanap ang wedding ceremony na nag-start ng 1PM, it was followed by a cocktail and dinner party at Manila Hotel. Grabe ang mga kamag-anak namin, lahat formal. Nakakatuwa! Si Ate Cathy and Ate Josie, mukhang mga prinsesa. Hindi masarap masyado yung mga foods sa Manila Hotel. Aside from not being so warm, kulang pa sa lasa. I've got this Peking Duck Pate, nakaka-suka ang lasa. Ayoko na ulit siyang matikman, yuck! Sobrang inantok ako sa wedding, paano ba naman, kakagaling ko lang ng duty ng 1:30AM until 10AM, wala na akong last break. Nakauwi na kami around 9:OOPM, halos 2 hours lang ang tulog ko, kaya pag-pasok ko ng office, mukha raw akong haggard. Anyways, pinag-eextend ako kanina ni Jean pero nag-refuse ako kasi naman, sobrang pagod na talaga ako, kaya pag-uwi ko ng bahay natulog agad ako. Pagkagising ko, kumain lang ako and then pumunta kami ng SM North EDSA para manood ng Shake, Rattle and Roll 2k5. Magkakasama kaming magkakapatid. Ako, si May, si JR, si Mico at ang pinsan naming si Opalyn. Hindi ako nagandahan sa movie. It was very disappointing. Mas maganda pa yung mga previous Shake, Rattle and Roll. The movie consists of 3 episodes, Poso with Ai-Ai Delas Alas, Aquarium with Ogie and Ara Mina, and Ang Lihim Ng San Juaquin with Mark Anthony Fernandez and Tanya Garcia. Of all the episodes, yung kay Ai-Ai lang ang maganda, kaya lang hindi naman siya horror like all are expecting, comedy yung kay Ai-Ai. Bumili rin ako ng Pinoy Big Brother DVD. We'll just watch it tomorrow kapag may oras. Bye!

Tuesday, December 27, 2005

New Haircut

I'm here at the mall with Tin-Tin. Our phone line is still not working well. Just finished with my haircut from Dennis of David's For Rever. The cut is very basic and looks good on me. I need to prepare for my cousin's wedding tomorrow. I have my barong already but I don't have a black slacks yet. I dunno where to get one, should I buy or look for my previous slacks I've used for several occasions. I'm now drinking this taro drink from Quickly, it tastes good and I never miss the chance to buy one whenever I get here at SM Carpark. Well, I need to go now. Bye!

Sunday, December 25, 2005

Merry Christmas Everyone!!!

Merry Christmas! It's the 25th of December. Haaayyyy, three days din ang na-miss ko sa pagpo-post dito sa blog. Grabe, nakakainis ang PLDT, bakit kaya out of service sila? Sabi ng ate ko, magsasara na raw ang PLDT sa Munoz kaya parang sinabotahe raw ang service nila, karamihan ngayon sa area namin ay walang phone line, medyo nakakainis kasi naman kung kailan rest day ko, tsaka naman walang linya ng phone, hmmmph! By the way, nandito pala ako sa Netopia sa SM Carpark. Kakagaling ko lang sa binyag ng anak ni Sheryl Pulga Frias, ang name ng son n'ya ay Aaron. Ninong na naman ako. Ang cute ni Aaron, I'm wondering kung kanino nagmana ang bata, hahahaha. Kaunti lang ang naka-attend, sina Anthony, Rico and Gretch with her boyfriend. Sa St.Paul the Apostle ang church and sa Jade Valley naman ang reception in fairness ang daming foods. Kanina, bago umalis ng bahay papuntang binyag inasikaso ko muna yung mga batang nagsipuntahan para sa kani-kanilang aginaldo ngayong Pasko. Sobrang daming pumunta. Sa mga inaanak ko naman, nandun sina Rachel, Martin, Lally and Sweet. Grabe, apat lang yun sa dose-dosena kong inaanak. I'm sure may dumating pa nung umalis ako. Kanina rin kami ulit nagkita ni Kuya Edwin, finally nakita ko rin yung anak n'yang si Maegan. Grabe, ang laki n'ya, and in fairness, maganda naman siya. Since hindi ako nakapag-post kahapon, ikukwento ko na lang ang mga kaganapan. Kahapon nagtapat ng feelings n'ya sa akin si Yeoj, well, I don't like him so I dumped him. Yuck! Mas magiging maganda kung friends lang kami, hallerrrr, tama bang sa forum pa n'ya sabihin yun? Mali naman ata ang diskarte n'ya, pahiya tuloy siya. Also yesterday, naka-chat na namin si Al also known as Kanyamanan. Hindi lang sa chat, narinig ko pa ang voice n'ya, kasama ko si Janice at DJ sa Netopia sa Cubao. Hindi ako makapagsalita sa mic kahapon kasi naman, nahihiya ako sa kanya and besides, nasa cafe ako, and paos ang voice ko kaya super nakakahiya talaga. Anyways, I have to end this now. Gusto ko nang umuwi. Bye!