Friday, November 25, 2005

Naiyak Ako

Oh my! Grabe talaga kanina, sobrang na-touch ni Belle ang heart ko. Hanggang ngayon, medyo mainit pa rin ang issue about 'latak'. Narinig ko rin ang comment ni Jovy about the issue. Sabi n'ya, dapat magkaroon ng action. Yung mga agents, kapag nagkamali, dinidisiplina, paano naman yung mga superior? Hanggang sorry na lang ba sila? Haaay, nakaka-inis ang situation. Kanina, wala masyadong calls dahil Thanksgiving Day sa States. Nung dumaan sa likod ko si Belle, tinanong ko siya kung anong na-feel n'ya nung sinabi ni Bernadette na latak lang ang tech agents, sinabi n'ya na nasaktan siya. Biglang nagluha yung mata ko and umiyak ako, hindi ko napigilan, kasi coming from Belle, nakaka-sakit talaga. Sobrang bait ni Belle and hindi siya marunong mag-complain, kaya parang naawa talaga ako at napaiyak. Ewan ko ba, naguguluhan na ako. On the other hand, si Rose, dumalaw kanina sa C3, nagta-trabaho na siya sa Makati. Nalaman din n'ya yung issue through Annie, nasaktan rin daw siya. Si Dolly rin alam na, as per Annie, si Mia naman, ewan ko lang. I'm sure, hindi magiging maganda ang mga feedbacks nila about this issue. Ngayon na lang ako ulit umiyak, buti kahit paano na-control ko, kapag kasi nagtuloy-tuloy, grabe, may kasamang pang sound effect, hehehe. Bye.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home