Saturday, November 26, 2005

Long Time No Talk

Thank God, off ko na ulit later. Hindi ko na kailangan pang gumising nang pagkaaga-aga. Medyo inaantok na ako, pero okay lang, mailagay ko man lang kung ano bang meron ngayong araw na ito. In relation to the hottest issue in the office, sinabi ni Veron na nakausap na n'ya si Mia, and sabi ni Mia, before napa-plastikan daw siya kay Veron pero this time, mukhang iba na ang plastic, and that's Bernadette. Iba talaga ang impact ng statement na ito ni Bernadette, I'm sure she's very bothered about this, nasa Baguio pa naman siya, at the same time, buntis pa siya kaya parang super stressful kung iisipin. Tumawag din sina Dolly at Mia dito kanina, after weeks without communication with both of them, ngayon na lang ulit kami nagka-usap. Of course pinag-usapan namin yung latest issue. Halos isang oras mahigit kami nag-usap. Hindi talaga maganda ang feedback nila, wala man lang anything positive on Bernadette's side. Sinabi pa ni Dolly na manggugulo talaga sila sa Christmas Party, hehehe. Hay nako, ewan, mukhang exciting din! Pero sana, malagay na rin sa ayos ang lahat. On a lighter note, 20th birthday ngayon ng pinsan kong si Opalyn. She's one of my closest cousin, kasi naman, halos half of her life, dito siya nakatira sa amin kaya talagang close na rin kami. Bye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home