Saturday, October 15, 2005

The Big Switch

Sa wakas, mejo matagal-tagal din ang intinulog ko ngayon. Kaninang umaga, pagka-uwi ko sa bahay pumunta kami ng simenteryo para dalawin ang puntod ng nanay ko, death anniversary kasi n'ya kahapon. Naka-uwi kami ng mga 11:30AM tapos mga alas dose ng tanghali, nakatulog na ako. Nagising ako around 9PM na. Ang sarap! Fully recharged ako ngayon. Nakuha ko na kanina yung gift check ko from SM amounting to 5,300.00 pesos at may kasama pang dalawang 500 Smart call card. Di ko pa alam kung anong magandang bilin, nagpa-plano kaming bumili ng digital camera since ito na ang uso ngayon, wala na sa uso ang mga kamerang de-film. Ngayong gabi natin malalaman kung sino yung makakabalik sa bahay ni Big Brother. It's the Big Switch. Rule ito sa Big Brother kung saan kapag na-evict ang isang housemate nang puwersahan (due to some reasons, for example, health problem ni Bob), kailangan siyang palitan. Since 50 plus days na ang nakakaraan, they won't be needing a new housemate, all they need now is a former housemate that has been evicted previously. Kung ako ang papipiliin, gusto kong magbalik si Racquel. Although inis ako sa kanya, nakakatuwa rin kapag nagbalik s'ya, at least may epal na naman sa bahay. Hehehe... I'll keep you posted tomorrow kung sino ang magbabalik, I don't think na aabot pa ako kasi magko-commute ako tonight and my shift is 11:30PM. Ciao!

Friday, October 14, 2005

Mom's 10th Death Anniversary

Ten years na pala na wala kaming nanay, ang bilis ng panahon. Kahit paano, naka-survive naman kami. Nagpadasal at naghanda kami kanina. Sa sobrang pagod nakatulog ako nang tanghali and nagising ako, kaunti na lang ang naabutan kong tao, ang mga T'ya Gunda, Ate Josie at yung iba pa. Sobrang nahihirapan ako sa ganitong schedule, putol-putol kasi yung tulog ko. Pagdating ko kanina, nagpahinga lang ako tapos nanood ako ng Sugar & Spice, tapos nakatulog na ako, nagising ako, mga hapon na. Kumain lang ako ng handa tapos nag-uwian na rin yung mga bisita, nanood na lang kami ng The Eye, nakakatakot pa rin siyang panoorin. I'm just wondering kung yung kaluluwa ng mother ko ay tulad din ng nasa movie, hehehe. Alis na ako, may pasok pa ako ng 11:30, bye!

Thursday, October 13, 2005

Lumang Sistema Ng City Hall

Kakagising ko lang and I feel so tired. Pagkagaling ko kanina sa office, pumunta ako sa Quezon City Circle para i-meet si Ate Baby kasi may inayos kami na business papers sa City Hall. Grabe, hindi na ako familiar sa Circle. Nung bata kami, madalas kami pumunta doon para mag-jogging at mag-bike kaya lang ngayon hindi na. Maganda pa rin at malinis. Sa City Hall naman, sobrang init, tapos sobrang dami ng procedures na hindi organized. Kumbaga, madali lang sanang gawin kung hindi magkakalayo yung mga opisina na dapat puntahan for assesment and everything. Biruin mo, pumunta kami sa assessing booth sa first floor, then hindi daw yun yung unang procedure so pinaakyat kami ng second floor to look for a certain person, then okay na siya. Bumalik kami ulit sa first floor for assesment tapos pinapunta kami sa treasurer's office para magpa-pirma sa City Treasurer, nagkataon na wala yung pipirma, so they endorse us to another person, pero wala rin naman nagawa yung tao. Ano ba talaga gusto nilang mangyari? How can people pay their taxes and everyrthing if they're not prepared and they don't have any organized procedure. Is there anyway to expedite the procedure? Haaaay, nakakainis talaga ang City Hall ng Quezon City, mabuti pa sa Makati, bukod sa airconditioned ang buong hall, mabilis pa raw ang mga transaction, well, I'm not so sure about this pero sana magawaan naman nila ng paraan yan. Iniwan ko na tuloy si Ate Baby kasi pinapabalik pa kami after lunch. Ako ay isang reklamador, I don't think na hindi ako tatagal kung ganoon lagi ang kanilang proseso, it's very old fashioned. It's seems na walang naitutulong ang mga computers para mapabilis ang mga procedures nila. Hmmmp! Tomorrow, 10th death anniversary na ng nanay ko. Mamaya, we'll be going to the groceries to buy some things we'll be needing for tomorrow. Kailangan ko nang tawagan ang T'ya Gunda ko, bye!

Wednesday, October 12, 2005

Tapos Na Ang Bakasyon!

After ng halos mahigit isang buwan sa pang-hapon na shift, balik na naman ako sa grave yard shift. Tapos na ang dalawang araw na magkasunod na rest day. Makikita ko na rin sa wakas yung mga agent na hindi ko madalas makita. Sana naman hindi ako masyado manibago, ayaw ko ng masyadong maraming calls!!! Sana rin, kahit na may tawag, makapag-forum pa rin ako. Post ko dito latest standing ko sa Pinoycentral message board. Sa ngayon, I'm on the fifth place and still counting. Sana maging leading din ako sa pagpo-post, well, hopefully kahit ganito ang shift ko. Tomorrow, mag-aayos ako ng business permit namin sa City Hall, imi-meet ko si Ate Baby sa Circle, sana naman hindi ako masyado mapagod. Haggard!

Tuesday, October 11, 2005

Dodgeball

Rest day ko pa rin, as usual, late na ako nagising, about 2:30 na ng hapon. Pagkagising ko, nanood agad ako ng TV. Ewan ko ba, routinary na ata yun na pagkagising, TV agad and pinupuntahan. Nanood na lang ako ng VCD ng Dodgeball: A True Underdog Story, starring Ben Stiller and Vince Vaughn. Ang ganda ng movie, its like good versus evil, the strongest team versus the weaklings. I like Vince Vaughn, ang cute cute n'ya! I'm not really familiar with Hollywood names and ngayon ko lang nalaman itsura ni Vince, grabe, cute siya in fairness. About Dodgeball, is it a real sport? Ewan ko ba, basta magandang laro ang Dodgeball, parang laro ng mga bata. Sa ngayon, bothered pa rin ako sa nagawa ko kay Eugene, hehehe, ewan ko ba. I'm sure that it's really my fault. Feeling ko tuloy, para akong isang babae na malapit ng mag-menopause, hehehe. Bukas, ang schedule ko na ay 11:30 ng gabi hanggang 8:30 ng umaga. I'm sure na maninibago na naman ako sa schedule na ito. Hopefully, makapag-forum pa rin ako kahit mejo marami nang queue calls.

I'm Guilty

I'm guilty of hurting Eugene's feelings. I know that I did the wrong thing of assuming that he will pass his call to me where in fact, he'll just ask me something about the customer I've handled. I know that it has offended him, I'm so bad. He deserves my apology. I'm trying to be good to him but I feel so stupid making up some assumptions about his attitude towards work. I have no idea how to say sorry to him. Today's my rest day. Stayed home, watched D' Anothers and House Of The Dead. Worked out. This day marks the 50th day of Pinoy Big Brother. It's also the day Bob left. He needs to leave the house coz of his condition, having premature heartbeat. The episode was aired live and it's a very dramatic exit for Bob. Well, since he's out of Big Brother's house someone must take over. Someone from the former housemates will be back. Will it be Rico, Jenny, JB or Racquel? How I wish Racquel would make it. It's ironic. I really hate her and I don't like her being on the show but I want her to come back. It's not about giving her a chance, it's all about making Big Brother's house more troublesome. Hehehehe, goodluck!

Sunday, October 09, 2005

Cass Ousted Raqcuel

Last night, Saturday is the third eviction night for Pinoy Big Brother. The two nominees for eviction are Racquel and Cass. I really don't like Racquel being in the house of Big Brother, she affected me a lot. Cass is the lesser evil. She acts so natural and very funny oftentimes. Thanks for the people who chose to oust Racquel over Cass. Finally, Racquel is out after the third attempt! Bwahahaha!!!! My shift last night is still good, not that intoxicating. I guess I'll be missing the shift from 4:30pm-1:30am coz next week, I'll be having the shift of 11:30pm 'til 8:30am. My shift for today, which is Sunday will be the last afternoon schedule that I'll have for this shift. I've been posting a lot on the message board during my idle time that's why I'm not really bored. I hope that I could still post something even calls are queuing on my next shift. Edu and Maxene are both having emotional crisis about their love life. Same goes with Howell, as per Edu. When will I ever undergo this kind of crisis in my life since I've never been in love. Well, I'm happy with what's going on with my life. Going out on gimmicks, enjoying being single, free from commitment, eating Lala whenever I want! Hehehe. Ciao!

Lugaw At Siopao

Sa wakas, nasa bahay na bedroom na ako at nagta-type ng post ko for this day. Bago ako tuluyang umuwi, bumili muna ako ng plain lugaw with hard boiled egg at dalawang bola-bola na siopao sa Kowloon sa kanto. Ang sarap ng snack ko! Hanggang ngayon busog pa rin ako. Mukhang maganda na ang disiplina ko the past few days. Hindi na ako masyadong magastos. Hindi na ako masyado nagta-taxi. Kanina, nag-taxi ako sa Cubao kasi male-late na ako, mabuti na lang, on time ako nakarating sa office, saktong 4:30 sa Avaya. Okay naman ang shift kanina, at least ngayon, hindi na kami dapat mag-inform sa customers ng migration since pwede na kaming mag-transfer ng calls sa mga bagong agents. Siya nga pala, the past few weeks of my shift, ang dami kong schoolmates na nakikita sa C3. Si Nina Lopez, e-mail account siya sa tabi ng station namin, yung Blockbuster, kaya lang mukhang hindi na siya nagpakita after 2 weeks. Tapos si Sally Manabat naman, sa Sony. Nina and Sally are both my colleagues from Letran, pare-pareho kaming management students. Another former schoolmate is Jasmin Caliste, she's my classmate back in Highschool, sa Trinity College. Nagpasa ako ng call kanina sa kanya, kasi siya yung nakita kong idle. Sa ngayon, I wanna sleep earlier than the usual. Siguro matutulog ako ng 4am, kasi minsan alas-syete na ng umaga, nagi-internet pa ako. Kanina, nanood ako ng TV. Switched it on Jack TV, palabas yung Dave Attell's Insomniac. Okay ang show na ito, showing the street life during the wee hours in U.S. Nakaka-aliw siya, hindi boring.