Saturday, December 10, 2005

Nene: The Big Winner

Good evening everyone! Kakatapos ko lang manood ng Pinoy Big Brother. Finally, after 111 days sa Big Brother's house, meron na ring grand winner! Si Nene, as expected ang nanalo. Siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto, sumunod si Jayson, then si Cass and last is Uma. Ang galing talaga ni Nene! From the start, siya na ang gusto kong manalo, sobrang astig kasi siya and hindi maarte. In fairness, ang ganda ng presentation ng ABS-CBN for the Big Night. Sobrang galing, and may part na nakakaiyak, nang dalawa na lang sina Nene at Jayson na natira. Pinoy Big Brother is one of the most succesful shows that ABS-CBN has produced. Panalo talaga 'to! Kanina, bago ako umuwi, namili ako ng isusuot ko for tomorrow's team building sa Enchanted Kingdom. Bumili ako ng brown sweat shirt na may hood, at isang polo shirt from People Are People. Medyo may kamahalan talaga sa People Are People pero okay lang, just to satisfy my impulsive mind! Pagka-uwi ko, nag-check ako ng e-mail regarding sa pagkaka-tanggap ko ng Union Bank VISA statement of account. Thank God at wala naman talagang na-charge sa akin, they promise to waive all the charges. I'm so relieved! About tomorrow, excited na ako dahil pupunta kami sa Enchanted Kingdom! Gonna sleep na. Bye!

Friday, December 09, 2005

The VISA Credit Card I've Never Had

Nag-start na po ang shooting namin for our Christmas Party video presentation to the tune of Pinoy Big Brother's theme, "Pinoy Ako Christmas Remix" sung by the housemates. Masaya yung shooting na nangyari sa loob ng office. At last napayagan din kaming magdala ng videocam sa loob ng office. I'm sad kasi hindi ko nakita yung ibang scenes na na-shoot dahil hindi ako pinag-AUX 2 or authorized break, sayang! Anyways, that's not the story of the day dahil na-bad-trip ako dahil may natanggap akong statement of account from Union Bank VISA with the total amount of P2,000 plus charged under my name. Wala akong credit card! I don't use credit card. The card is affiliated with my school Colegio de San Juan de Letran. They're charging me of the amount I've never used. I've never signed any papers or document, and I've never received any VISA credit card. Well, I'm trying my best to contact them but it seems that all their hotlines are not working. I don't know what to do. I gotta visit their site now and check. There must be something behind this! Bye!

Thursday, December 08, 2005

Rico Barrera Is Nice

It's my fiftieth post for this blog 'The Natural Cubist', meaning it's the golden post. It just so happened that I'm wearing my brown t-shirt with gold print and my white gold bracelet. Iba na talaga ang level ng energy ko ngayon sa paggawa ng music video. Halos lahat na sa office ay alam ang tungkol dito and mas excited pa nga yung iba sa amin. Nakahanap ako ng partner, si Karen. Thank God at si Karen, may background siya sa mga ganitong linya so hindi na talaga kami mahihirapan. Humingi na si Sir Don kanina ng approval na magamit yung videocam and then nakausap na rin namin yung ibang supervisor na super excited na rin sa making ng video. Pumunta kami ni Karen sa ABS-CBN Compound kanina, it's the first time na nakita ko nang malapitan ang Big Brother House, kasi yung una ko siyang makita, nasa sasakyan kami. Nakita ko si Bob, si Direk Lauren Dyogi and si Rico. Si Rico yung nahingian namin ng favor na magbigay ng greetings sa upcoming Christmas Party sa office. Mabait po siya in fairness and masunurin. Nalaman lang niya na taga-ABS-CBNi kami, pumayag agad siya na magbigay ng greetings. Ang hirap tawagin si Direk Lauren, nakita ko si Faina, yung friend ko back in college kaya lang super busy raw talaga si Direk. Nakakatuwa, at least kahit paano, may nakuha kaming greeting mula kay Rico. Pag-uwi, nakita ko naman si Raymund Romero, shcoolmate ko rin sa Letran. Ayun, makulit pa rin, pero in fairness, trainor na siya! Anyways, I'm happy at nakakuha kami ng message kay Rico Barrera ng Pinoy Big Brother! I like him na!

Wednesday, December 07, 2005

Cubists' Christmas Music Video

Kakagaling ko lang ng SM, grabe, wala pa akong tulog since nag-duty ako kaninang 1:30AM, ngayon ay 8:30PM na, 3 hours na lang itutulog ko. Anyways, nagpagupit nga pala ako sa ex-boyfriend ni Len, si Benjo na nagwo-work as hairstylist sa Bench Fix Salon sa SM North EDSA. Gwapo at matangkad yung ex n'ya, hindi kaya siya nanghihinayang nun? Anyways, pinauna ko na sila, sinabi ko kay Len na uuwi na ako pero ang totoo, namili muna ako. Bumili ako ng regalo para sa anak ni Trish, yung binili ko kasi dati, ibinigay ko na kay Jaja, also my inaanak. Bumili rin ako ng dalawang Christmas lights na idadagdag ko sa Christmas tree. Grabe, my feet are soooo tired. Mamaya, uumpisahan na namin ni Karen yung Christmas music video for our upcoming party. 'Pinoy Ako' Christmas edition yung gagamitin namin na song for the said video. I'm kinda excited na! Last but not the least, mejo sad yung bungad na bati sa akin kanina sa office kasi I found out that Blue's father died. Nakaka-awa naman si Blue, siya kasi ang bread winner sa pamilya nila tapos nagkaganon pa, anyways, sana malagpasan n'ya ang mga ganitong pagsubok. I'm sure he can!

Tuesday, December 06, 2005

Kris Goes To Big Brother's House

Yesterday, bumisita si Kris Aquino sa Big Brother. Hindi ko talaga napanood ang episode na ito. Nakakainis nga eh, nagpagising pa naman ako kay Ate Fannie ng 10PM kaya lang nagising ako 11:15PM na, hindi ko naabutan. Napanood ko yung sa Channel 53, kaya lang hindi siya malinaw, malabo, hindi naman kasi kami authorized for that channel, around 12 midnight, nakita ko siya nakiki-chika sa mga housemates. Nabasa ko pa sa article sa Pinoy Big Brother website na tinanong n'ya si Uma kung bading ito, itinanggi naman 'to ni Uma. Sayang di ko siya masyado napanood. Ipapalabas pa mamaya yung ibang episodes, hopefully, mapanood ko siya at magising ako nang mas maaga. By the way, nagtapos na ang 23rd SEA Games last Sunday. Nanguna ang Pilipinas sa medal tally, Gold 113 - Silver 84 - Bronze 94, a total of 291 medals. I'm not into sports these days kaya hindi ko masyado namalayan ang SEA Games. Grabe, mas sumikat pa ang mga issues about Pinoy Big Brother kaysa sa SEA Games. Kakaiba talaga ang PBB fever. Ciao!