9 Hours Of Sleep
Sa wakas naka-connect din ako, nakakainis yung Nitro Prepaid Internet card, sobrang bagal. Hindi naman masyadong mahirap kumonekta pero kapag nag-iinternet na, sobrang bagal. Ang gamit ko ngayon ay Blast, okay naman ang bilis pero mejo mahirap maka-connect. Anyways, ang sarap ng tulog ko, imagine, more than 9 hours akong nakatulog. May mga kaunting interruptions pero hindi rin ako naiistorbo kasi sobrang pagod talaga ako kaya bagsak agad sa kama and fortunately, may katagalan din ang itinulog ko. Kanina sa office, nag-request na ako ng rest day for me and my teammates. Nagpa-plano kaming pumunta ng Enchanted Kingdom sa December 11. Team ito ni Papa Bear, and sa wakas, natuloy na rin ang pagkatagal-tagal at mejo naudlot na team building namin. Aalis na ako dahil may duty pa ako ng 1:30AM mamaya. Bye!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home