Saturday, December 03, 2005

Jollibee & Say's Eviction

Hindi pa ako nakakabawi ng tulog. Kahapon 2 hours lang sleep ko, kanina naman, mga 5 hours kahit paano. Nagco-call out para sa migration. Ayaw magsipag-tawag ng mga customer, puwes, kami na ang tumatawag sa kanila para ma-migrate na yung mga TFC accounts nila sa DirecTV. Nakakainis nga kanina eh, nasabihan pa ako ni Jopay at Ash na mukha raw akong may sakit. Kasi naman, wala pa halos talaga akong tulog kahapon. Pinakita rin sa akin ni Ash yung topic tungkol sa username ko sa forum na lokagirl_gatas. Hindi ako nakapag-forum today dahil sa call out. Nakasabay ko si Heart at Raffy pag-uwi. Si Heart ay isa sa bagong agent na gusto ko, what I mean is, hindi siya mahirap pakisamahan. Si Raffy naman, new agent din, naku-cutan ako sa kanya, crush ko na siya! Hehehehe, hindi siya ka-gwapuhan pero I like him kapag nagsasalita na siya. Pag-uwi, natulog agad ako. Gumising ako ng 6PM para umattend ng birthday ni Nicole, my inaanak from Trish and Martin. Nagkita kami ni Jovie around 8PM sa Robinsons and nakarating kami sa Jollibee ng 8:30PM. Wala halos bisita. Kung ano ang ikinarami ng guests ni Gabbie, yung anak ni Sweet, opposite naman ng bisita ni Nicole. Siguro less than 30 persons yung umattend. Natatawa ako kay Nicole kasi hindi ko alam kung sino ang kamukha n'ya, si Trish ba or si Martin. Nakaka-inis yung Jollibee na mascot, ako pa yung napag-tripan dun sa party. Kung kahapon, si Alhen at Jovie yung kinukulit ng mascot, ngayon ako naman, bwahahahaha! About Pinoy Big Brother, last evictee si Say. Sa wakas, natanggal na rin siya. The Big Four are Uma, Nene, Cass and Jayson. Naging cliff hanger man si Nene sa episode kanina, siya naman pala ang may pinakamataas na number ng boto, around 44%. Grabe talaga ang hatak ni Nene sa tao, ang galing kasi n'ya eh, ang dami n'yang kayang gawain. Sino kaya mananalo. Ilang araw na lang, Big Night na! Bye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home