Housemates' Last Nomination
Rest day ko today. As usual, nanood lang ako ng TV at nag-internet buong maghapon. Nakakainis kanina, I thought magla-launch ng station ID ang ABS-CBN, kasi they usually launch Christmas station ID mid-November pero until now, wala pa rin. Nakaka-frustrate tuloy, the past 3 years meron sila tapos ngayon wala. Anyways, nakakatawa noh? Ganon kasi ako ka-supportive sa Kapamilya Network, ayoko kasi talaga ng GMA 7. About Pinoy Big Brother, kanina naganap ang last nomination night. Eight nomination night na ito. Ang mga na-nominate ay sina Nene, Cass, Jason at Say. Of all the nominees, I want Say to be out of the house. Ang matitirang apat will be called the Big Four. Hopefully makasama si Nene sa apat na 'yon, siya kasi ang gusto kong manalo from the start, I also like Uma now. It was Nene's first nomination, and for the record, si Uma lang ang tanging housemate ang hindi na-nominate sa buong season ng show. Ang galing n'ya! Lagot ako kay Jasmine, di ako nagtext or nagparamdam sa kanya, birthday pa naman n'ya ngayon. Si Jasmine ay classmate ko back in highschool and ngayon ay isa ko na siyang officemate. Bwahahahaha!!! See yah, bye!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home