Kris Goes To Big Brother's House
Yesterday, bumisita si Kris Aquino sa Big Brother. Hindi ko talaga napanood ang episode na ito. Nakakainis nga eh, nagpagising pa naman ako kay Ate Fannie ng 10PM kaya lang nagising ako 11:15PM na, hindi ko naabutan. Napanood ko yung sa Channel 53, kaya lang hindi siya malinaw, malabo, hindi naman kasi kami authorized for that channel, around 12 midnight, nakita ko siya nakiki-chika sa mga housemates. Nabasa ko pa sa article sa Pinoy Big Brother website na tinanong n'ya si Uma kung bading ito, itinanggi naman 'to ni Uma. Sayang di ko siya masyado napanood. Ipapalabas pa mamaya yung ibang episodes, hopefully, mapanood ko siya at magising ako nang mas maaga. By the way, nagtapos na ang 23rd SEA Games last Sunday. Nanguna ang Pilipinas sa medal tally, Gold 113 - Silver 84 - Bronze 94, a total of 291 medals. I'm not into sports these days kaya hindi ko masyado namalayan ang SEA Games. Grabe, mas sumikat pa ang mga issues about Pinoy Big Brother kaysa sa SEA Games. Kakaiba talaga ang PBB fever. Ciao!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home