Wednesday, December 07, 2005

Cubists' Christmas Music Video

Kakagaling ko lang ng SM, grabe, wala pa akong tulog since nag-duty ako kaninang 1:30AM, ngayon ay 8:30PM na, 3 hours na lang itutulog ko. Anyways, nagpagupit nga pala ako sa ex-boyfriend ni Len, si Benjo na nagwo-work as hairstylist sa Bench Fix Salon sa SM North EDSA. Gwapo at matangkad yung ex n'ya, hindi kaya siya nanghihinayang nun? Anyways, pinauna ko na sila, sinabi ko kay Len na uuwi na ako pero ang totoo, namili muna ako. Bumili ako ng regalo para sa anak ni Trish, yung binili ko kasi dati, ibinigay ko na kay Jaja, also my inaanak. Bumili rin ako ng dalawang Christmas lights na idadagdag ko sa Christmas tree. Grabe, my feet are soooo tired. Mamaya, uumpisahan na namin ni Karen yung Christmas music video for our upcoming party. 'Pinoy Ako' Christmas edition yung gagamitin namin na song for the said video. I'm kinda excited na! Last but not the least, mejo sad yung bungad na bati sa akin kanina sa office kasi I found out that Blue's father died. Nakaka-awa naman si Blue, siya kasi ang bread winner sa pamilya nila tapos nagkaganon pa, anyways, sana malagpasan n'ya ang mga ganitong pagsubok. I'm sure he can!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home