Lumang Sistema Ng City Hall
Kakagising ko lang and I feel so tired. Pagkagaling ko kanina sa office, pumunta ako sa Quezon City Circle para i-meet si Ate Baby kasi may inayos kami na business papers sa City Hall. Grabe, hindi na ako familiar sa Circle. Nung bata kami, madalas kami pumunta doon para mag-jogging at mag-bike kaya lang ngayon hindi na. Maganda pa rin at malinis. Sa City Hall naman, sobrang init, tapos sobrang dami ng procedures na hindi organized. Kumbaga, madali lang sanang gawin kung hindi magkakalayo yung mga opisina na dapat puntahan for assesment and everything. Biruin mo, pumunta kami sa assessing booth sa first floor, then hindi daw yun yung unang procedure so pinaakyat kami ng second floor to look for a certain person, then okay na siya. Bumalik kami ulit sa first floor for assesment tapos pinapunta kami sa treasurer's office para magpa-pirma sa City Treasurer, nagkataon na wala yung pipirma, so they endorse us to another person, pero wala rin naman nagawa yung tao. Ano ba talaga gusto nilang mangyari? How can people pay their taxes and everyrthing if they're not prepared and they don't have any organized procedure. Is there anyway to expedite the procedure? Haaaay, nakakainis talaga ang City Hall ng Quezon City, mabuti pa sa Makati, bukod sa airconditioned ang buong hall, mabilis pa raw ang mga transaction, well, I'm not so sure about this pero sana magawaan naman nila ng paraan yan. Iniwan ko na tuloy si Ate Baby kasi pinapabalik pa kami after lunch. Ako ay isang reklamador, I don't think na hindi ako tatagal kung ganoon lagi ang kanilang proseso, it's very old fashioned. It's seems na walang naitutulong ang mga computers para mapabilis ang mga procedures nila. Hmmmp!
Tomorrow, 10th death anniversary na ng nanay ko. Mamaya, we'll be going to the groceries to buy some things we'll be needing for tomorrow. Kailangan ko nang tawagan ang T'ya Gunda ko, bye!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home