The Big Switch
Sa wakas, mejo matagal-tagal din ang intinulog ko ngayon. Kaninang umaga, pagka-uwi ko sa bahay pumunta kami ng simenteryo para dalawin ang puntod ng nanay ko, death anniversary kasi n'ya kahapon. Naka-uwi kami ng mga 11:30AM tapos mga alas dose ng tanghali, nakatulog na ako. Nagising ako around 9PM na. Ang sarap! Fully recharged ako ngayon.
Nakuha ko na kanina yung gift check ko from SM amounting to 5,300.00 pesos at may kasama pang dalawang 500 Smart call card. Di ko pa alam kung anong magandang bilin, nagpa-plano kaming bumili ng digital camera since ito na ang uso ngayon, wala na sa uso ang mga kamerang de-film.
Ngayong gabi natin malalaman kung sino yung makakabalik sa bahay ni Big Brother. It's the Big Switch. Rule ito sa Big Brother kung saan kapag na-evict ang isang housemate nang puwersahan (due to some reasons, for example, health problem ni Bob), kailangan siyang palitan. Since 50 plus days na ang nakakaraan, they won't be needing a new housemate, all they need now is a former housemate that has been evicted previously. Kung ako ang papipiliin, gusto kong magbalik si Racquel. Although inis ako sa kanya, nakakatuwa rin kapag nagbalik s'ya, at least may epal na naman sa bahay. Hehehe... I'll keep you posted tomorrow kung sino ang magbabalik, I don't think na aabot pa ako kasi magko-commute ako tonight and my shift is 11:30PM. Ciao!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home