Beauty Shop
Rest day pa rin and wala akong nagawa kanina kasi bukod sa umuulan, wala pa ang linya ng telepono. Nagplay na lang ako ng VCD, yung binili ko kahapon, yung Beauty Shop. It stars Queen Latifah, Kevin Bacon, Alicia Silverstone, Andie MacDowell, Mena Suvari and many more. Maganda ang story. Gina ang name ni Queen Latifah dito, umalis siya sa pinagtatrabahuhan n'ya na salon dahil sobrang yabang ng boss n'ya played by Kevin Bacon. Kumuha siya ng loan, then bumili ng isang lumang salon, tapos sumama rin sa kanya sa salon si Alicia Silverstone and her other clients played by Mena and Andie. In the end, mukhang na-insecure si Kevin sa success ng beauty Shop kaya gumawa siya ng paraan para masira ito, but then, nabuking din siya dahil nakuha sa video yung pakikipag-transact n'ya dun sa inspector na laging sumisita sa beauty shop ni Gina. Bitin nga lang yung story kasi hindi na pinakita yung nangyari kay Kevin at kay Mena, and yung success ni Gina sa special conditioner na naimbento n'ya. Ang cute ng character ni Alicia kasi isa siyang white na trying to be black, sa huli, naging kasundo rin n'ya yung ibang employee ng salon, and na-inlove pa siya dun sa sexy black guy na nagtatrabaho rin sa salon. Basta, the movie is not actually bad. May chance na ulitin. Bye.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home