Jason And Sam Are The Nominees
Ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon. Nag-start ako magka-sakit nung Friday, yung time na may trick or treat sa office. Nagkatotoo yung hula ko na magkakasakit ako dahil sa naambunan ako. I'm not really well, kahapon, nagawa ko pang umattend sa birthday ng kambal ni Mother Daisy. Sa Fairview ginawa yung birthday, sa may Jollibee. First time kong pumunta doon sa lugar na iyon. Medyo malayo pero okay lang dahil nung pag-uwi, sumabay ako kay Deng and tamang-tama naman na Kaingin din ang daan nila, sa lugar namin. Kanina sa office, talagang sick ako kaya nagpa-pull out na lang ako to do some reports. Hindi ko na talaga kaya pang maghandle ng calls, up to now, wala pa rin akong boses. I'm not sure if I'll go to the band fest. Gusto ko sanang umattend kasi nagpa-schedule ako ng off this day for that event, sayang naman kung hindi ako makaka-attend. By the way, last Saturday night pala ang fifth nomination night sa Pinoy Big Brother. Ang mga na-nominate ay sina Sam at Jason. I can't think as of now kung sino ang gusto kong ma-out sa dalawa kasi I really wanted Say to be out of the house kasi naartehan na ako sa kanya. I'll keep you updated, log-out nako dito. Bye!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home