Trick Or Treat
Ako'y nagsakit-sakitan na naman. Tinatamad kasi akong pumasok and I'm not feeling well kasi naambunan ako kaninang umaga. Yesterday, tinawagan ko si Dolly para i-confirm kung tuloy ba sina Luke and Nathan (her sons) sa Trick or Treat sa office. Sabi n'ya, kung umuulan, hindi matutuloy pero kung hindi naman, papupuntahin n'ya. Unfortunately, umulan kaninang umaga kaya hindi sila nakasama. Pinag-usapan namin ni Dolly yung issue tungkol sa Band Fest. Hindi pwede ang outsider, pero nung una, nag-pass sila ng paper kung saan ilalagay ang number of attendees sa Band Fest, so I thought pwede ang outsider. Badet told me that, in a very unpleasant manner. She could have told me that in a nice way. Hay nako, mejo masama ang loob ko sa kanya but I'd rather keep it to myself. Eto namang si Dolly, mejo naasar din at biglang sinabi kay Mia, and ito namang si Mia, nag-text brigade telling how bad she feels about the statement na baka madamay ang ABS-CBNi dahil pupunta sila. The fact is, former cubists are part of the party. Sana lang, before people say anything about something, they should know the real issue first. Hay, enough of that. Sana lang wag nang lumaki pa ang issue.
Speaking of issues, the issue between Eugene and I is finish, he approached me yesterday and I've apologized. I think that we're done and we're friends again. Nakakagaan ng loob, parang nabawasan talaga ako ng isang tinik sa dibdib. Kaninang umaga, nag-celebrate ng Trick or Treat sa office, hindi naka-attend mga anak ni Dolly kasi umuulan. Nakakatuwa rin in a way although mas masaya ata yung last year. Ang daming little kids na naka-costume, ang kukulit. Yung mga anak ni Sheng ay nakaka-inis, isa na ata sila sa mga kinaiinisan kong bata. Hindi sila maamo, mga batang devils sila, hehehe. Sila yung tipong ayaw mamigay ng candy at mahilig pang mamalo at manipa. Nakaka-inis, kahit yung ibang mga officemates ko nainis sa kanila, hehehe. About my forum life, alam na ni Kanyaman na di talaga ako girl, at mukhang asar pa siya. Well, I'm not trying to please and him, and besides, may mga nakaka-alam naman talaga na kami ni Charmed One ay hindi talaga girl. Sa username lang at sa avatar kaya siguro sila nabighani sa charms namin, hehehe. Di bale, if ever na aawayin n'ya kami, marami naman kaming kakampi. Kanina sa Pinoy Big Brother, nakaka-asar si Say, sobrang arte. Babawasan lang ng 3 inches yung hair n'ya nakikipagtalo pa kay Big Brother. I'm sure magiging nominee siya sa nomination night. Yun lang po sa ngayon, mag-fo-forum muna ako baka kasi inaaway na ako dun sa room, hehehe! Bye!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home