A Day For Bad News
Grabe ang araw na ito, pagka-uwi ko sa bahay, puro masamang balita agad and sumalubong sa akin. First, yung pinsan ko sa probinsya ay naaksidente, so it means na kakailanganin na naman nila ang tulong namin. Hindi naman sa ayaw kong tumulong, ang nakakainis lang, all my life, simula't sapol, lagi na lang silang nakaasa sa amin. Para bang hindi sila mabubuhay nang wala kami. Well, siguro nga, ganon na talaga sila, mukhang hindi na magbabago. Second, yung umuupa sa amin na Bumbay, na-kidnap pa yung kasamahan nila. Nakakaawa naman. Nandito sila sa Pilipinas para umangat ang buhay nila at hindi ma-kidnap. Kawawa talaga, it doesn't really matter kung magkano ang ibabayad nila, what matters more is the life. Ano na lang ang sasabihin nila sa Pilipinas? Wala na talagang pinipili sa panahon ngayon, nakakainis! Sana lang malagay na sa kaayusan ang mga bad news na ito. On a lighter note, sa kalagitnaan ng mga bad news na ito, ako'y nagpagupit na ng hair sa David's Salon kanina. Ang gumupit sa akin ay si Myra. Naiinis lang ako sa kanya kasi, super mahal na nga ang bayad, mukhang minadali pa n'ya yung gupit. Okay lang dahil ngayon ko na-appreciate yung hair nung medyo natuyo na yung mousse. Cute din ang cut. Tapos, pagkadating ko sa bahay, after marinig ang bad news from Ate Fannie, nanood ako ng Grease, yung movie nina John Travolta and Olivia Newton John. Ang ganda talaga ng movie na ito, it's a great musical. Sobrang simple pero ang galing ng pagkakagawa. Di ka magsasawang ulit-ulitin ang movie. I like it!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home