Thursday, November 03, 2005

Negative Thinking

Masyadong boring ang araw na ito. Bukod sa may mga bagay na naglalaro sa aking isip, hindi pa ako ganoon ka-ganado na magtrabaho kanina. Parang may kulang. Parang nagsasawa na talaga ako sa araw-araw na ginagawa ko. Maayos ko namang sinasagot ang mga tanong ng tumatawag pero ewan ko ba, wala talaga ako sa mood. Kanina na nga, nung nag-discuss si Gel sa akin ng QA, sobrang lalong bumaba ang morale ko dahil mababa na naman ang mga grades ko, parang muntik na nga akong umiyak kanina, not because of the grade, it's because after 2 years I realized, isa pa rin akong customer service agent, walang progress. Mukhang hindi nagsilbing challenges kundi mukhang lalo pa akong na-discourage sa result ng QA ko. Haaaay, ano bang nangyayari sa akin. Ayokong mag-self pity. Kailan ba maku-kumpleto ang buhay ko? Ang drama noh? Wala lang, naisip-isip ko lang. Bye.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home