Saturday, November 19, 2005

Ligo Muna, Bago Tulog

Kakatapos ko lang mag-post ng mga messages sa Kris Aquino topic sa Pinoycentral na message board, grabe, napagod ako sa kakatanggol sa kanya ha anyways, tapos na ulit ang work, mamaya ulit alas tres ng madaling araw. Kinausap ako kanina ni Dean, sabi n'ya meron daw kaming dance number sa Christmas Party and I'm so excited about that, hehehehe. Sana matuloy and maging successful! Pagka-uwi ko sa bahay, napansin ko yung isang anak ni Sanchai, yung doggie namin na askal, mukhang sobrang hina. By the way, kapapanganak lang n'ya about several weeks now. Kanina, pagdating ko sa bahay, napansin ko, hindi na halos gumagalaw pero humihinga pa, tapos ang ginawa ko, kumuha ako ng asukal at tubig. Sinubukan kong painumin pero hindi n'ya iniinom, binasa ko na lang yung lips n'ya hoping na mare-revive pa rin yung strength n'ya, pero hindi talaga n'ya ina-absorb. After siguro mga 2 hours, napansin ko, di na talaga gumagalaw, tapos hindi na humihinga, patay na! Siguro okay na din yun, kasi totoong nakakaawa na makitang humihinga nga, pero hindi na dumidilat at kumikilos. Kawawa naman. Anyway, naligo na ako bago matulog para mamaya, hindi na ako maliligo pa and para mejo mahaba-haba ang sleep ko. Sige na, bye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home