Wednesday, October 19, 2005

On A Rush

Tapos na naman ang magkasunod na rest day ko. Nagpahinga lang ako dito sa bahay at nag-internet ng magdamag. Umaga na ako nakatulog kanina. Bumili muna ako ng pandesal, nag-breakfast at gumawa ng fruit salad. Nagising ako around mga 3PM, tapos may napanood akong movie, yung Identity Theft. Tungkol yun sa pagiging obessessed ni Connie kay Michelle Brown, na buong identity ni Michelle ay ninakaw na ni Connie. Kaya pala kadalasan, ayaw magbigay ng mga customers ng social security dahil sabi nga sa movie, every 6 minutes, a crime of identity theft was done. Kakaligo ko lang, at ngayon, nagmamadali na ako dahil 11:30PM ang pasok ko. Magtatali na ako ng sapatos. I'm on a rush! Bye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home