Wednesday, October 26, 2005

Bad Taxi Day

Pumunta si Janice kahapon dito sa bahay para mag-hang out. Mukhang wala kasi siyang magawa sa kanila. Nag-internet kami mag-hapon at nakipag-chikahan kay Dolly sa phone. Sobrang ingay talaga ng bunganga ni Janice. Halos isang oras mahigit lang ang tulog namin dahil masyado kaming nag-enjoy sa kaka-chat, kaka-chika sa phone at kakatingin ng mga photos ko. At eto pa ang hindi n'ya makalimutan, may nakipag-chat sa kanyang Turkish na cute at nag-show pa. Bwahahahaha, talagang ipinagkalat n'ya sa office ang nakita n'yang 'yun'. Sa shift naman kanina, super peaceful at meron akong isang escalated call kay Oliver. By the way, kanina pala, pinansin ako ni Eugene pero hindi ako nakapag-apologize sa kanya. Hopefully, maka-usap ko siya one of these days. Kanina, pag-uwi namin, magkakasabay kami nina Alhen, Hope, Janice at Deng. Pumara kami ng taxi, yung walang tatak. Usually, mas gusto kong sumakay sa taxi na may pangalan like MGE, R & E, EMP and the likes. Yung first cab na huminto, nung malaman na lima kami, bigla ba namang sinabi na baka paglaruan namin siya. Haller, hindi naman po kami mukhang mga holdaper. Bwahahahaha!!!! Yung isa naman, pinasakay na kami, pero nung umandar na ang taxi, biglang hindi ibinaba ang metro at nag-presyo pa ng 100 pesos. It would only cost us 60 pesos from Eastwood to Cubao. Hindi talaga kami pumayag hanggang sa umabot kami sa labas ng Citybank and ibinaba kami ng taxi. Tama ba namang sabihin n'ya na 'konsiyensya' na lang namin yun. Goodluck sa kanya, hindi naman po kami mga milyonaryo para magbigay sa kanya ng napakalaking bayad. Pare-pareho lang kaming nagta-trabaho. Hay nako, imbes na mag-taxi tuloy kami, napasakay na lang kami ng jeep. Nakaka-inis talaga ang mga taxi na nag-i-impose sa mga pasahero ng gusto nilang fare. Hindi lang nila alam kung gaano kahirap ang pera ngayon, over sila kung mag-presyo. Nag-iba na tuloy ang impression ko sa mga taxi na walang tatak. I think that I'll have to be choosy and careful in choosing the cab I take. So long, byers!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home