Saturday, November 12, 2005

9,000 And Going

Grabe kanina sa office, naiinis na ako, aside sa mababang score ko sa QA, nakakabad-trip pa kasi, kung anu-anong klaseng calls ang pumapasok sa aken, naiirita na talaga ako. Pwede ba nilang bawasan ang split namin? I don't think so, hmmmp! Anyways, pagka-out ko kanina, pumunta kami ni Jovy sa People Are People, bumili siya ng super cute na tube top. Ako naman, ang dami kong nakitang pants na super cute kaya lang, masyadong mahal and as of now, I won't be able to buy dahil I'm still paying my white gold bracelet from Mother Maya. Grabe si Jovy, halos hindi na ata nag-uulit ng mga damit n'ya, meaning, di na n'ya sinusuot yung mga clothes na nagamit n'ya once. Ako rin may times na ganoon. One time lang gagamitin and then masa-stock na lang sa closet. Actually, may damit nga na binili ko tapos di ko naman ginamit like yung yellow flowery polo na binili ko sa SM for Summer, and then yung red stripe naman from Folded & Hung na gagamitin ko supposedly sa Family Reunion namin last year. Haaay, such a waste. Tungkol sa buhay forum, nakaka-9,000 posts na ako. Grabe noh? Ang dami na pala, I've started August 10, 2005, and have an average of 95.3 posts per day. Imagine, ganoon talaga ako ka-addict sa forum. Pahabol lang, happy birthday pala kay Mia Padilla, she's celebrating her birthday today, November 11. I can't go to her party later coz I need to sleep pa. Gotta go now! Bye!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home